Isa akong Seaman, Noong Nov. 2019 naglakad ako sa kalaw nag hahanap ng training center dahil kababa ko pa lang ng barko 3days ago, may humarang sa akin sa kalaw nag aabot ng flyers hindi ko pinapansin ang lalaki, makulit nakiusap may itatanong lang daw sa akin, akala ko mabilis lang, at sasagutin ko lang mga tanong nya, pero ng matapos ko sagutin tanong nya sinasama nya ako sa office daw nila qualified daw ako mabigyan ng health card FREE daw at pwede gumamit buong family, wala daw ilalabas na pera no money involve daw, kaso naisip ko limited na lang oras ko kasi dami ko aasikasuhin, tinanggihan ko siya, pinipilit nya pa din ako at nakikiusap siya pang points lang daw nya kasi OJT pa lang siya, kaso ayoko talaga, humingi ako pasensya at tumalikod sabi ko sa susunod na lang mag iwan ako cp number ko, bigla nya tinawag yung kasama nyang babae, nag explain na naman sa akin, at siya na daw sasama sa akin sa office nila para hindi na ako pipila, at mapabilis ang pag claim ko sa free health card nila. Napapayag ako ng babae, dami nya kinukwento hangang makapasok kami sa office nila, tapos pinasa nya ako sa isang babae ulit, pumasok kami sa loob, dami sinasabi na nung babae, tinanong pera ko atm ko, pinapaipon ako investment daw, sakto may dala ako dollar kasi kauuwi ko nga lang, naintindihan ko naman explain nya, dahil hindi ko kilala ang company nila ayoko talaga, pero kinukulit nya ako at paano daw pag emergency wala ako pera, tinanong ko magkano ba pang open dyan? Sabi kahit magkano lang, dahil makulit at try ko na din subukan company nila, maliit lang muna binigay ko, $100 muna, inabot ko sa knaya pinag fill up nya ako application, pag balik nya sa akin may pinakita sya papel, naapproved daw ako, pero hindi sa $100, sa $800 dollar daw, pinipilit pa ako mag labas ng $700 sabi ko hindi ko pa nakuha pera ko sa agency ko, tinanong ako mgkano dollar na dala ko, sabi ko $600 lang kasi pang enroll ko sa training ko, sabi nya sa pang student na lang daw ako, sabi ko sige magkano sa pang student dagdagan ko nalang pag nakuha ko pera ko, umalis sya ulit pag balik ulit dala ulit papel, $500 dollar pinakita nya, sabi ko yan na ba pang student, sabi nya oo, sabi ko hindi ko pa talaga kaya ngayon yan, saka na lang ako mag invest kunin ko na lang binigay ko, hindi daw pwede kasi naka fill up at naka pirma nako sa contract nila, nagulat ako, hindi na pala pwede mag backout kasi may pinirmahan daw ako kontrata nila, yun ang mali ko nag fill up agad ako at nag pirma, hindi ko muna binasa ang kontrata, binigay ko na kulang na $400, sabi makukuha ko din daw pera ko after 10yrs, basta matapos ko lang ang hulog in 5yrs. 1month daw bago makuha ang health card, humingi pa pang lbc 190, pero eto na January ko na nakuha ang card hindi pa siguro nila iapapadala kung hindi ako mag follow up, ang ayoko lang sa mga agent nila nag sisinungaling, sabi no money involve yun pala bebentahan ng health card, at huwag kayo umasa sa return of investment daw kasi pag nagamit nyo ang health card wala babalik sa inyo, mag basa muna ng contract. Health card lang binibenta nila at hindi talaga for investment na kikita ang pera natin, ang hirap pa magamit ang health card nila wala matawagan sa mga hotline, e kung emergency hindi sila maasahan mag babayad ka pa din sa hospital. Mag invest na lang sa mga Life insurance na may rider para sa health. Huwag magpabiktima sa kanila, magaling sila mamilit.
Category: Uncategorized
The Journey Begins
Thanks for joining me!
Good company in a journey makes the way seem shorter. — Izaak Walton
